INTRODUCTION:
Ang
bawat Kristiano ay tinawag upang maligtas sa siguradong kapahamakan, at
tumanggap ng buhay na walag hanggan, ngunit ang buhay Kristiano ay hindi lang
nagtatapos sa pagkaligtas bagkus ang bawat isa ay tinawag upang ganapin ang
kapanawagan upang matupad ang layunin ng Diyos sa bawat isa. Bilang simbahan,
tayo ay pinili at itinalaga para sa “common purpose”, ito ay ang layunin na
maluwalhati natin ang Diyos (glorify) sa ating pamumuhay. Ngunit paano nga ba natin
ito maisasakatuparan bilang simbahan? Ang Panginoong Jesus ay nag-utos sa
kanyang mga alagad, at pati na rin sa atin sa ating kapanahunan, ito ay ang mga
pamamaraan upang maluwalhati natin ang Diyos at matupad natin ang utos ng
Panginoong Jesus. Mula sa Aklat ng Mateo 28:16-28 malalaman natin ang mga
kapamaraanan na ito.
TEXT: Matt 28:16-28
16 Then the eleven disciples went to Galilee, to the mountain
where Jesus had told them to go. 17 When they saw him, they worshiped him; but some doubted. 18 Then Jesus came to them and said, “All
authority in heaven and on earth has been given to me. 19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing
them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,20 and
teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am
with you always, to the very end of the age.”
How can we glorify God as a
Church?
·
WE MUST BE A CHAMPION IN
WINNING SOUL FOR CHRIST
·
WE MUST BE TRAINED FOR
SERVING CHRIST
·
WE MUST FULFILL OUR MISSION
GIVEN TO US BY GOD
WE MUST BE A CHAMPION IN
WINNING SOUL FOR CHRIST
Matt 28:19
“19 therefore go and
make disciples of all nations…”
Acts
1:8
“8 But
you will receive power when the Holy Spirit comes on you; and you will be my witnesses in Jerusalem, and in all Judea and Samaria, and to the ends of the earth.”
Nais
ng Diyos bilang Kristianong Simbahan ay magi tayong Champion salarangan ng
ating kapanawagan. Bilang simbahan tayo ay tinawag na maging winner sa pagsasaksi
para kay Cristo. Tayo ay tinawag ng Diyos upang ipahayag natin ang Mabuting Balita,
at maging saksi ng kanyang kabutihan at kadakilaan. Ang Bawat Kristiano ay
nakaranas ng kabutihan ng Diyos at naranasan ang mga himala ng Diyos sa buhay niya,
nararapat lamang na ito ay kanyang ipahayag sa mga taong hindi pa nakakakilala sa
Diyosupang makilala din nila ang Diyos na buhay at totoong Diyos.
Ang
pagsasaksi natin tungkol kay Cristo ay utos mismo ni Cristo, ito ay hindi
optional o kaya ay kaloob kundi ang bawat Kristiano ay inuutusan Niya na magpatotoo
tayo tungkol Kanya at sa Kanyang mga ginawa sa buhay ng bawat Kristiano. Kaya
nga ang sabi niya sa mga Alagad ay “Humayo
at gawing alagad ang lahat ng mga bansa…” (Mateo 28:19), at “Kayo’y magiging Saksi ko….” (Gawa 1:8).
Ninanais ng Panginoong Jesus naang bawat alagad niya ay maging saksi at maging
winner sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.
Nais
ng Diyos na tayo ay maging kabilang sa mga Champion sa pananampalataya (Heb
12:1), at sa ating pagsasaksi at maayos na pamumuhay marami ang mga taong walang
pagkakilala sa Diyos ang magnanais na makilala ang ating Diyos. (Gawa 2:47).
Kung ganito ang magiging pamumuhay ng buong Simbahan, marami ang makakakilala sa
totoong Diyos, marami ang tatanggap sa Panginoong Jesus at lalaki ang Kristianong
Simbahan, at marami ang makakaranas ng kapangyarihan ng Diyos.
Hebrews
12:1
“Therefore,
since we are surrounded by such a great cloud of witnesses…”
WE MUST BE TRAINED FOR
SERVING CHRIST
Matthew 28:20
“…and teaching them to obey everything I
have commanded you…”
May
kasabihan, “Hindi mo pwede ibigay ang isang bagay na wala ka”, hindi mo rin
pwede ituro ang isang bagay na hindi mo alam. Ang nais ng Diyos tayo ay maging
kabahagi ng pamilya ng Diyos, at bilang parti ng pamilya at parti ng iisang
katawan, nais niya na ang bawat isa ay maging kabahagi sa gawain ng kaharian ng
Diyos. (1 Cor 12:27, Eph 2:20) Tulad ni Moises, David at Pablo, maging ang mga
alagad ni Cristo, sila ay tinuruan, sinanay at inihanda sa paglilingkod sa
kaharian ng Diyos. Ang iba ay nais maglingkod sa Diyos, pero hindi alam ang
gagawin at hindi alam kung paano makapaglilingkod sapagkat, hindi pa naturuan,
at walang pagsasanay na dinaanan.
Tulad
ng isang simpleng pamilya hindi lalago (magmamatured) ang isang anak o parti ng
pamilya kung hindi siya magiging kabahagi sa mga gawain bahay o kaya ay wala
siyang gingampanang papel sa isang pamilya. (Eph 4:11-13) Pero paano nga ba
siya magiging kabahagi ng gawain ng Simabahn kung ayaw niyang matoto, ayaw
niyang paturo? Paano siya magtuturo kung hindi siya maturuan? Paano siya maglilingkod
kung wala sa kanyang magtuturo na maglingkod sa kapwa at sa Diyos?
Habang
tayo ay nabubuhay tayo ay nasa ilalim ng proseso ng paglago (maturing process),
maraming pamamaraan ang Diyos upang lumago ang isang Kristiano, pero isa sa
pinakasimpleng pamamaraan na itinalaga ng Diyos upang lumago ang buong
Simbahan, at ang individual na Kristiano ay ang mga pagtuturong ginagawa,
maging ito man ay Bible Study, School of Workers, Bible School, Training and
Seminars at iba pang pamamaraan upang maranasan (Experience) at mauwanaan ng
isang Kristiano ang isang totoong buhay ng isang Kristiano. (Acts 2:42). Kung
ang mga unang Kristiano ay naging masugid at tuloy tuloy sa mga turo ng mga
Apostol, tulad din natin kung nais nating lumago, makapaglingkod at maging kapaki
pakinabang sa Pamilyang Kristiano dapat ay may oras tayo sa pag-aaral, at
nagpapaturo tayo sa mga itinalaganag manggagawa ng ating Congregation. Kung
ayaw niyang magpaturo, paano siya magtuturo? Kung ayaw niyang magpaturo paano
siya makakaunawa? Nais niya lamang ba na siya lamang ang pakinggan at unawain?
Meron na ba tayong kinabibilangang Bible Study o Small Group? regular ba tayo
na dumadalo rito? Tayo ba ay dumadalo ng
Pananambahan upang makasana ang ibang mga Kristiano at sama samang matoto at
sumamba?
Marahil
ang isang Kristiano ay pinanahanan ng Espiritu Santo, pero hindi siya “All
Knowing”, kailangan niya ang mga tagapagturo at kailangan niya magpaturo kung
nais niya na lumago sa pagiging Kristiano at maging kabahagi ng Gawain ng
Diyos. Kung ayaw magpaturo at maging kabahagi sa isang “Training” hindi siya
lalago at hindi rin siya magagamit sa Gawain ng Diyos.
Paano ba
nakakatutulong ang palagiang Pag-aaral ng Salita ng Diyos?
1.
Mababago
at natutuwid ng Salita ng Diyos ang ating mga pag-iisip at pananaw sa buhay.
(Roma 12:2, 2 Tim 3:16-17)
2.
Kapag
naituwid ang ating pananaw at nagkaroon ng tamang pag-iisip sa Buhay,
magkakaron din tayo ng tamang pagpapasya. (Acts 5:29, Mateo 6:33)
3.
Sa
ating buhay, malimit tayong magpasya, maging pangmadalian o matagal na
pinag-isipan, kung tama ang ating pagpapasya, magkakaroon tayo ng maayos na pamumuhay.
4.
Sa
gabay ng Espiritu Santo, at Salita ng Diyos, at maayos na pagpapasya, tiyak
makakasumpong tayo ng pinagpalang buhay.
WE MUST FULFILL OUR MISSION
GIVEN TO US BY GOD
Matthew
28:19
“…go and make disciples of
all nations…”
Tayo
ay ginawa ng Diyos para sa kanyang layunin. Marami ang mayayaman na nagkamal ng
bilyong bilyong salapi, sankatotak na aria-arian, tanyag at may kapangyarihan
pero nauuwi lamang sa kalungkotan at walang pagkakuntento, at ang iba ay
nagiging gahaman. May mga tanyag, sikat
at mayayaman pero bakit nauuwi sa pagkagumon sa droga, at ang iba ay
nagpapakamatay. Bakit ganun? Sapagkat hindi nila nasumpungan ang tamang
deriksyon at nais ng Diyos sa kanilang buhay, kaya sila ay napariwara. Maaaring
ang isang tao ay mayaman, sagana sa buhay, tinitingala ngunit pariwara,
sapagkat hindi niya naunwaan ang nais ng Diyos sa buhay niya. Bakit marami ang
hindi makuntento sa buhay? Bakit laging nararanasan niya na may kulang sa buhay
niya, sapagkat hindi niya pa nararanasan ang nais ng Diyos sa buhay niya. Tayo
ay ginawa niya para sa kanyang layunin, hindi niya tayo ginawa upang mamumuhay
ng para sa sarili nating kagustuhan, sa sarili nating kapakanan o kaya ay para
mabuhay upang magkamal ng kayamanan, magpakasarap at mamatay, maari na yan ay
parti ng buhay, pero hindi yan ang kabuuan ng buhay. Siya ay may banal na
layunin para sa atin. Ano nga ba ang nais ng Diyos para sa bawat isa sa atin?
1.
Tayo
ay ipinanganak upang naging kabilang sa pamilya ng Diyos (Gal 1:15)
2.
Tayo
ay naging Kabilang sa Pamilya ng Diyos upang Maging kabahagi ng Gawain ng Diyos
(Eph 2:19-20, 1 Cor 12:12,27, eph 4:12-13)
3.
Tayo
ay kabahagi ng Gawain ng Diyos upang tuparin ang Plano ng Diyos (John 5:19-20,
Matt 28:20 )
4.
Upang
matupad ang Plano ng Diyos sa Buhay natin, dapat ay tuparin natin ang inaatang
na Mission para sa atin. (2 Tim 4:7-8)
Ano
ba ang Mission mo sa Buhay ngayon bilang Kristiano?
Bilang
Kristiano ay ninanais ng Panginoong Jesus sundin natin ang kanyang mga
pinag-uutos.
“Sa
bawat Kristiano nais ng Panginoong Jesus na tayo ay humayo at gumawa ng mga
alagad ni Kristo”
CONCLUSION:
Bilang
Simbahan, Pamilya ng Diyos, Nais niya na tayo ay maging Champion sa pagpahayag
ng kabutihan ng Diyos sa buhay natin. Nais niya rin na tayo ay maging handa sa
paglilingkod sa ating Kapwa at sa Diyos sa pamamagitan ng masusing pagsasanay
at pagiging handa sa gawain na itinalaga sa bawat isa sa atin. Tayo ay
ipinganak para sa kanyang layunin, nais ng Diyos na tuparin natin ang ang
mission na naiatang sa ating mga balikat.
Sa
pamilyang JFCM may tatlo tayong hakbang upang mapapurihan ang Diyos; WIN, TRAIN
and SEND (MISSION). Handa ba tayo dumaan at magpaila
No comments:
Post a Comment