PURPOSE:
Turuan
ang mga taga pakinig na ang bawat Kristiano ay anak ng Diyos.
INTRODUCTION:
Kung
malalaman mo kaya na ikaw ay isang tagapagmana ng isang ari-arian o kaya’y
tagapagmana ng isang kaharian, ano kaya ang magiging reaksiyon mo?
At
kung totoong tagapagmana ka, ano ang gagawin mo? Sino ba sa atin ngayon ang nais yumaman? Nais
magkaroon ng maayos na tahanan, o kaya’y gustong makapagbakasyon sa isang
napakagandang lugar.
Di
nyo ba alam na kayo bilang Kristiano ay tagapagmana ng Kaharian ng Diyos?
Tagapagmana ng langit? Sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga – Roma, tingnan po
natin at basahin.
TEXT: Roma 8:14-17
“14Ang
lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
15Sapagkat
hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinanggap upang kayo’y mamuhay sa
takot. Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo’y
gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo’y tumatawag sa kanya ng “Ama, Ama Ko!”
16Ang
Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng
Diyos.
17At
yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni
Cristo. Sapagkat kung tayo’y kasama niya sa pagtitiis, tayo’y makakasama niya
sa kanyang kaluwalhatian. ”
Sino-Sino nga
ba ang mga anak ng Diyos?
- Sila ay ang mga pinapatnubayan ng Espiritu Santo (V. 14-16)
- Sila ay tagapagmana at kasamang tagapagmana ni Kristo (V. 16-17)
- Sila ay pinapatnubayan ng TATLONG PERSONA (TRINITY)
Sila ay ang mga
pinapatnubayan ng Espiritu Santo (V. 14-16)
Ang
mga taong tumanggap at nanampalataya sa Panginoong Jesus ay ang tunay na anak
ng Diyos (Sila din ang tunay na Kristiano) (Juan 1:12-13). Ito ay dakilang gawa
at kalooban ng Diyos, hindi kagagawan ng tao.
“14Ang
lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
15Sapagkat
hindi espiritu ng pagkaalipin ang inyong tinagggap upang kayo’y mamuhay sa
takot. Sa halip, ang inyong tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo’y
gawing mga anak ng Diyos, kaya tayo’y tumatawag sa kanya ng “Ama, Ama Ko!” “
Ang
mga anak ng Diyos ay pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng
pagkukop ay siyang tinanggap ng totoong Kristiano, hindi ang espiritu ng
pagkaalipin. Marahil marami ang inaalipin pa rin ng sari-saring espiritu,
ngunit dapat na ating matanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop, sapagkat ito ang
magdadala sa atin sa Ama.
“…ang inyong
tinanggap ay ang Espiritu ng pagkupkop upang kayo’y gawing mga anak ng Diyos,
kaya tayo’y tumatawag sa kanya ng “Ama, Ama Ko!” “
Sa
pamamagitan ng Espiritu tayo ay malayang makakalapit sa Ama, makakalambing sa
Ama, “Aba Father”.
Ang
espiritu ng pagkaalipin ay salungat sa Espiritu ng pagkupkop, sapagkat sa oras
na tanggapin natin ang Espiritu ng pagkupkop tayo ay maykalayaan na rin sa mga
espiritung maaring umalipin sa atin. Ang mga espiritung ito ay ang mga
sumusunod; bisyo, kahirapan, takot, pagkainggit at iba pang mga espiritu na maaring
magimpluwensya sa ating upang mapalayo sa pagiging anak ng Diyos.
Paano
nga ba masisiguro ng isang Kristiano na siya ay anak ng Diyos?
“16Ang
Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng
Diyos.”
Ang
Espiritu na ating tinaggap ay siyang magpapatotoo na tayo ay anak ng Diyos, at
ang ating espiritu ay makakauwa na tayo ay totoong anak ng Diyos. Maaring ang
mundo, ang kapaligiran at ang ating emosyon ay magdududa tungkol sa ating
pagiging anak, pero ang Espiritu ng Diyos ay siyang magpapaunawa sa atin na
tayo’y anak ng Diyos.
Sila ay
tagapagmana at kasamang tagapagmana ni Kristo (V. 16-17)
“16Ang
Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng
Diyos.
17At
yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni
Cristo. Sapagkat kung tayo’y kasama niya sa pagtitiis, tayo’y makakasama niya
sa kanyang kaluwalhatian. ”
Ito
ay isang magandang balita sa mga taong tumanggap at nanampalataya kay Kristo,
sapagkat sila ay tagapagmana ng Diyos. Maaring ang iba ay magdududa, pero ang
Espiritu ng Diyos ay siyang mangungusap sa ating espiritu na tayo ay mga anak
ng Diyos.
Ang
bawat anak ng Diyos ay kasamang tagapagmana ni Kristo, ngunit kung si Kristo ay
nagtiis ng maraming hirap dito sa mundo, tayo din ay hindi makakaiwas sa mga
kahirapan na darating, dapat na ang bawat Kristiano ay maging handa sa mga
hirap at pagtitiis na maaring harapin ng bawat Kristiano.
Tayo
ay nakalaan na magmana ng langit at kaharian ng Diyos, ngunit habang tayo ay
nasa mundong ito, tulad ni Kristo tayo ay haharap sa mga pagtitiis, pag-uusig,
pagtatakwil (rejection) at iba pang kahirapan. Nararapat lamang na tayo ay handa
sa mga paghihirap na ito, at pagdating ng takdang panahon tayo ay magiging
tagapagma ng Langit at Kaharian ng Diyos.
Sila ay pinapatnubayan ng TATLONG PERSONA
(TRINITY)
Hayag
ang patnubay at gawain ng TATLONG PERSONA (AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO) sa
bawat anak ng Diyos. Ang Ama ay
siyang kukopkop sa bawat Kristiano (Roma 8:14-15).
Ang
Panginoong Jesus ay siyang nagbigay
ng pagkakataon sa bawat tao na maging anak ng Diyos, sa pamamagitan ng
pagtanggap at pananampalataya sa kanya (Juan 1:12).
Ang
Espiritu Santo ay siyang
magpapaunawa sa espiritu ng bawat Kristiano na siya ay anak ng Diyos at
tagapagmana hindi na alipin (Roma 8:14-17).
CONCLUSION:
Habang
tayo ay nasa mundong ito tayo ay hindi exempted sa mga pagtitiis, sapagkat kung
ang Panginoon Jesus ay humarap sa sari-saring pagtitiis, tayo ay makakaranas
din ng ganun. Ngunit kung tayo ay kasama niya sa kanyang pagtitiis, siya din ay
makakasama natin sa kanyang kaluwalhatian.
Ang
bawat tumanggap at nanampalataya kay Kristo ay mga anak ng Diyos, ang Espiritu
Santo ay siyang laging magpapaunawa sa espiritu ng mananampalataya na siya ay
anak ng Diyos. Tayo ay hindi na alipin, tayo ay mga tagapagmana na! may
kalayaan tayong tumawag at maglambing sa ating Ama na nasa langit.